Marshall Minor III - Manual de instrucciones - Página 3

Marshall Minor III Auriculares – Manual de instrucciones en formato pdf, léalo en línea gratis. Esperamos que le ayude a resolver cualquier duda que pueda tener al utilizar el aparato.

Si aún tiene preguntas, escríbalas debajo del manual de instrucciones.

"Estamos cargando el manual" significa que debe esperar a que se cargue el archivo para poder leerlo en línea. Algunos manuales son muy pesados y el tiempo que tardan en aparecer depende de su velocidad de internet.
Página:
/ 8
Estamos cargando el manual
background image

0 2 7

WIK ANG FILIPINO

PAG-UUMPISA

1. 

Buksan ang case na pang-charge.

2. 

Pindutin nang matagal ang pindutan sa ilalim ng case 
hanggang sa kumislap nang mabagal at asul ang LED.

3. 

Piliin ang 

MINOR III

 mula sa listahan ng Bluetooth

®

 ng iyong 

sound device.

MGA HINIHIPONG KONTROL

Hipuin ang kaliwa o kanang earbud para kontrolin ang iyong musika at 
mga tawag sa telepono.

• 

1 hipo para i-play/i-pause o tanggapin/ibaba ang isang tawag

• 

2 hipo para lumaktaw pasulong o tanggihan ang isang tawag

• 

3 hipo para lumaktaw paatras

PAG-CHARGE SA MGA EARBUD

Ibalik ang mga earbud sa case upang mai-charge ang mga ito. 

PAG-CHARGE SA CASE

Gumamit ng isang wireless na charger o isaksak ang case sa isang 
USB na pagmumulan ng kuryente upang mai-charge ito. Ganap nang 
na-charge ang case kapag ang nakaharap na LED ay nanatiling berde.

Para mai-charge ang case gamit ang isang wireless na charger, sundin 
ang tagubilin sa ibaba. 

1. 

Ilagay ang charging case nang nakahiga sa wireless na charging pad.

2. 

Tiyaking umiilaw ang harap na LED upang maipahiwatig na nagtsa-
charge ang case.

3. 

Kapag umilaw na ang LED nang solid na berdeng ilaw, ganap nang 
na-charge ang charging case.

LED NA INDICATOR

Ipinapakita ng LED ang charge ng baterya ng case, mula pula tungo sa 
dilaw hanggang berde (0-100%). Kumkislap ito nang asul habang nasa 
mode ng Bluetooth na pagpapares.

PAGPAPARES NG BAGONG DEVICE

Natatandaan ng Minor III ang hanggang sa 6 na dati nang naipares na device 
at susubukang muling kumonekta nito sa huling nakakonektang device.

1. 

Ilagay ang mga earbud sa case at panatilihing nakabukas ang takip. 

2. 

Pindutin nang matagal ang pindutan sa ilalim ng case hanggang sa 
kumislap nang mabagal na asul ang LED.

3. 

Piliin ang 

Minor III

 mula sa listahan ng Bluetooth ng iyong sound device.

Tandaan: Ang mga earbud ay maaaring ikonekta sa isang sound device 
sa bawat pagkakataon. Tiyaking magdiskonekta mula sa kasalukuyang 
device bago muling kumonekta sa ibang device.

PAG-RESET SA MGA EARBUD

Kung nagkakaproblema o hindi tumutugon ang iyong mga earbud, 
sundin ang mga tagubilin sa ibaba.

1. 

Ilagay ang mga earbud sa case at isara ang takip upang ma-restart 
ang mga earbud.

Kung iiral pa rin ang problema, magsagawa ng factory reset.

Tandaan: Tatanggalin nito ang lahat ng mga setting ng gumagamit at 
kailangang ipares ulit ang mga earbud.

1. 

Ilagay ang mga earbud sa case at panatilihing nakabukas ang takip.

2. 

Pindutin nang 10 segundo ang pindutan para sa pagpapares ng 
Bluetooth, hanggang sa maging lila ang LED, para mai-reset ang 
mga earbud sa mga factory setting.

3. 

Alisin ang 

Minor III

 mula sa listahan ng Bluetooth ng iyong sound 

device bago muling ipares.

Kung iiral pa rin ang problema, magsagawa ng hardware reset.

Tandaan: Tatanggalin nito ang lahat ng mga setting ng gumagamit at 
kailangang ipares ulit ang mga earbud.

1. 

Ilagay ang mga earbud sa case at panatilihing nakabukas ang takip.

2. 

Pindutin nang 15 segundo ang pindutan ng pagpares ng Bluetooth 
para mai-reset ang mga earbud.

3. 

Alisin ang 

Minor III

 mula sa listahan ng Bluetooth ng iyong sound 

device bago muling ipares.

instruccionespdf.com
¿Tiene más preguntas?

¿No ha encontrado la solución a su problema en el manual o tiene otros problemas? Haga su pregunta en el siguiente formulario con una descripción detallada de su situación para que otras personas y expertos puedan responderla. Si sabe cómo resolver el problema de otra persona, ayúdele :)

Hacer una pregunta